Kwento Ng Isang Pokpok

I would like to share this story which touched me and countless other people. I don’t know who is the author of this awesome piece of writing and I have been searching for him for a while. So if you do know, please leave me a comment. I would appreciate it so I can give credit to where it is due. Thanks!

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit. Binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw. Sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, kasi, dahil dito kaya naletse ang buhay ko at ang aking kinabukasan.

Pare ko, halika, makinig ka naman sa kuwento ko, kahit na kuwento lang ng isang puta. Yosi muna tao pare.

Alam mo pare ko, daming naakit sa akin, lumalapit, nagkakagusto.

Ang hirap, pag bago, lahat sa iyo eh “virgin”. Tinatanggap ko naman silang tao, pero, wala. Ginagago pa rin ako at binabastos. Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi, hindi sila taga-rito. Siguro talagang ganoon. Alam mo, minsan, may tatlong “foreigners” na sobrang libog ang nameyesta sa katawan ko. Ni-rape daw ako sabi ng iba kong kapitbahay.

Kung totoo mang nagahasa ako, yung pinakahuli ang hindi ko malilimutan. Parang kahit hindi ko ginusto ang nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan kasi niya akong makalimutan yung mga ibang nanggahasa sa akin eh. Peste yung una at sadista yung ikalawa. Isa pa, ibang-iba ang hagod niya eh. Imiikot ang aking munda sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siyang mag-sorry. At hindi lang yun, kinupkop niya hindi lang ako, pati na mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo. May chocolates, may yosi at may datung pa ha. Nakakabaliw siya. Alam kong ginagamit lang niya ako pero pagamit naman ako ng pagamit. Sa kanya namin natutunang magsalit ng wikang Ingles, di lang magsulat kungdi magbasa na rin. Kahit ngayun, pag mabigat ang problema ko, sa kanya pa rin ako tumatakbo. Yun ngalang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa ang buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba. Akala ko nga, napamahal na ako sa kanya. Akala ko, tuloy-tuloy na ang aming kaligahayan. Yun pala, unti-unti niya akong pinapatay. Putang-ina oo! Sa dami ba naman ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong nalaspag! Ang daming nagsasabi na ang tanga-tanga ko daw. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko din ang animal na yun. Pero ang hirap magsimula ulit. Masyado na kasi akong nasanay sa sarap na kanyang ibinigay sa akin at sa mga anak ko. Ngayun, lubog na lubog na ako sa utang. Kulang na ata pati na ang kaluluwa ko at kaluluwa ng mga anak ko para makabayad sa aming mga utang. Gayunpaman, sinikap naming lahat na maging maganda ang buhay namin.

Kaya ayun. Tignan mo mga anak ko. Mayroong nasa Japan, sa Hong-Kong, Sa Saudi at sa kung saan pang panig ng mundo. Yung iba nasa America at yung iba nasa Europe. Yung iba naman, ayaw umalis sa akin. Kaya lang itong mga natirang anak ko sa akin, halos lahat naman walang silbi! Palamunin ang mga putang-inang mga ito. Masaya daw sila sa piling ko kahit na ako ay amoy usok.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya ding dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na halos di kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap, nasasanay na kami unti-unti sa kahirapan namin ngayun ng mga anak ko. Napakahirap kasi nasanay na kami sa sarap at ginhawa.

Pero ang pinakamasakit sa lahat ng paghihirap ko, ay ang mismong mga anak ko. Sila pala ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na ako ay nalinlang ng sarili kong mga anak. Akala ko nakakita na ako ng mga makakasama ko sa aking buhay sa aking pagtanda. Putang-ina oo. Hindi pala. Mga anak ko pala mismo ang mga ahas na mamimiyesta sa sarili kong katawan! Ang tanga-tanga ko talaga oo! Ang sakit isipin na itong mga anak ko mismo ang bumugaw sa akin! Kapalit ng kuwarta at kung anu-ano pang mga pansamantalang kaligahayan nila.

Pero alam mo pare, mahal na mahal ko aking mga anak. Wala na akong nagawa sa sobrang pagmamahal ko sa kanila. Wala naman akong ibang yaman kungdi ang aking kagandahan. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang aking sarili para lang maging maginhawa ang kabuhayan ng mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May mga nanghihinayang, may mga namumuhi at may naawa. Puta na talaga kasi ang isang tulad ko.

Alam mo pare, gusto ko nang tumigil sa pagpuputa, kaso mo, ang laki-laki na talaga ng putang-inang utang ko eh. At palaki pa ng palaki. Kulang na kulang ang aking pera sa pang araw-araw na gastos ko. Iniisip ko kasi, paano na ang aking mga anak na naiwan sa aking poder? Isa pa, baka hindi na ako bisitahin man lang ng mga anak kong nagsipag abroad. Baka hindi na rin nila ako balikan. Hindi na importante sa akin kung laspagin man nila ang ganda ko, madama ko man lang sana ang kanilang pagmamahal sa akin. Sana naman malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko, maganda pa rin ako. Meron pa ring mga bilib sa akin. Napag-uusapan pa din. Sa tuwing makikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko din ang mga anak ko. Tutulo na lang ang luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling ng mga anak ko. Namamayagpag kahit saan man makarating. Mahusay sila sa kahit na anong gawain. Tama man o mali napakalaki ng pride ko sa kanilang lahat. Mahal man nila ako o hindi. Kaya lang, ang sakit talaga isipin, kasi nga pare ko, hindi ganoon ang pag tingin nila sa akin. Kabaligtaran ang nararamdaman nila sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang talaga nagmamalasakit sa akin. At yung iba pa, may maalsakit nga pero hilaw naman. Ni hindi nga nila ako kinikilalang ina! Ang sakit-sakit talaga. Tapos, halos lahat sila nag aaway-away. Halos lahat sila, galit sa isa’t-isa. Wala sa kanila ang gustong magtulungan. Mas gusto nilang mag away-away, lahat gustong mamuno. Ayaw magbigayan. Ang dami ko nang pasakit na tinitiis ng dahil sa mga anak ko. Pero wala nang pinakamasakit pa kungdi yung ibugaw ako ng sarili kong mga anak! Ginawa nilang kapital ang laspag ko nang gandahan. Minsan nga, sa pagtingin ko sa salamin, di ko na nakikilala sarili ko pare.

Parating na naman ang pasko. Sana, maalala ako ng mga anak ko. Malapit na din ang bagong taon. Natatakot na naman ako nito eh. Baka kasi kung anu na naman kagaguhan ang gagawin ng mga anak ko. Sana, kahit isa, may magtanggol sa akin. Sana, may magmalasakit. Sana may isa sa kanila na pagkaisihin ang kanyang mga ibang kapatid. Sana ay . . . naku, putang-ina oo, puro na lang sana. Gusto ko tuloy isigaw: MGA PUTANG INA NINYO!! . . . AKO ANG NANAY NINYO!! MAHALIN NINYO NAMAN AKO MGA PUTANG-INA NINYO!!!

Hay naku pare. Pasensiya na. Ayan. Napa-drama na naman ako. Sige na. Masisira na naman make-up ko nito eh. Salamat pare at nakinig ka kahit paano.

Ay, sori nga pala, nakalimutan ko sabihin sa iyo ang aking pangalan.

Ako nga pala si Pilipinas.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s